Naitala ang pinakamataas na antas ng temperatura, pinakamataas na lebel ng tubig sa dagat at pinakamataas na antas ng pollutants sa mundo noong 2016 ayon sa isang global climate report.
Maraming saliksik ang nagpapakita na ang planeta ay unti-unting mas iinit, at walang senyales na ang antas nito ay bababa pa ayon sa taunang State of the Climate Report.
Ayon pa sa report, ang naitalang antas ng init noong 2016 ay pinagsamang bunga ng matagal ng isyu sa global warming at sa malakas na El Niño na nanalanta rin sa pagsisimula ng taon.
Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng greenhouse gases na nagreresulta sa polusyon sa atmosphere ay ang patuloy na paggamit ng tao ng fossil fuels para sa kuryente.
Naitala ang pinakamataas na lebel ng mga major greenhouse gases na dahilan ng pag-init ng panahon, kabilang ang carbon dioxide, methane at nitrous oxide.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumelo sa 402.9 parts per million (ppm) angconcentration ng CO2 sa atmosphere na lampas na sa normal na 400 ppm.
Nakumpirma rin sa naturang ulat na sa taong 2016 naitala ang pinakamataas na temperatura ng mundo, lupa at dagat, na nagdulot ng pagkalusaw ng mga glaciers at polar ice caps.
Dahil dito, naitala na ang kabuuang 3.25 inches (82 millimeters) na pagtaas sa lebel ng tubig na mas mataas sa naitala noong 1993.
Ipinapakita rin dito na tumaas ang temperatura sa 6.3 Fahrenheit o 3.5 degrees Celsius mula nang umpisahan ang pagtatala noong 1900.