Traffic sa Commonwealth Avenue, lalong bibigat sa panibagong konstruksyon ng MRT-7

 

Sa Martes na, August 15 ang simula ng konstruksyon ng guideway ng Line-7 ng Metro Rail transit (MRT) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Kaya’t dahil dito, inaabisuhan ng MRT-7 Project Traffic Management Task Force ang mga motoristang dumadaan sa naturang lansangan na asahan ang lalo pang pagsisikip ng trapiko sa naturang lugar sa kasagsagan ng konstruksyon.

Sa kanilang advisory, isinasaad na isasara ang dalawa sa pitong lanes ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng University Avenue at Central Avenue simula August 15 habang isinasagawa ang konstruksyon.

Ito aniya ay bahagi ng Phase 1 ng proyekto para sa pagtatayo ng guideway para sa Station 3 o University Avenue Station ng MRT-7.

Inaasahang magtatagal ang proyekto hanggang April, 2018.

Samantala, sa susunod na linggo naman sisimulan na rin ang pagtatayo ng Station-7 ng MRT sa bahagi ng Manggahan area.

Maapektuhan ng konstruksyon ang isang lane sa southbound at dalawang lane sa northbound ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng Katuparan at Kaunlaran St.

Read more...