Aabot sa pitongdaan na pamilya ang nawalan ng tirahana matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Maysilo, Malabon.
Ayon kay Chief Insp. Jay Penas, naganap ang sunog pasado alas-7 ng gabi ng Sabado.
Dahil malapit sa ilog at may tubig sa ilalim, sinubukan pa ng mga residente na apulahin ang sunog pero mabilig kumalat ang apoy.
Umabot sa tatlongdaan bahay ang tinupok ng apoy bago tuluyang makontrol ang sunog bandang alas-9 ng gabi.
At dahil mabilis ang pagkalat ng apoy, karamihan sa mga apektadong residente ay damit lamang ang naisalba.
Dalawang residente naman ang naitalang nasugatan sa insidente.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ukol sa naging sanhi ng naturang sunog na tinatayang aabot sa P600,000 halaga ng ari-arian ang napinsala.