Mainit at maalinsangan panahon, asahan sa susunod na tatlong araw – PAGASA

(AP Photo/Matt York)

Patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang buong bansa sa susunod na tatlong araw ayon sa PAGASA.

Ito ay dahil pa rin sa umiiral na ridge of high pressure.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, walang low pressure area (LPA) o bagyo ang namamataan sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pero sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na makararanas ang buong bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers.

Iiral naman ang mahina hanggang sa katamtaman hangin na mula sa timog kanluran patungong timog silangan sa Luzon.

Read more...