42 patay sa salpukan ng 2 tren sa Egypt

Patay ang 42 katao, habang sugatan ang 133 iba pa matapos magsalpukan ang dalawang tren sa Alexandria City sa Egypt.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, mistulang bumuo ng pyramid ang dalawang tren nang magbanggaan dahil parehong umangat sa ere ang nagsalpukang mga bahagi nito.

Dahil dito, nagkalat sa lupa ang ilan sa mga bangkay, habang nahirapan naman ang mga rescue teams sa pagkuha sa mga sugatang pasahero at mga nasawi na naipit sa loob ng tren.

Ayon sa isang security source, posibleng pagkakamali sa railroad switching ang dahilan ng aksidente, pero ayon kay Transport Minister Hisham Arafat, “human error” ang naging sanhi nito.

Ipinag-utos na ni President Abdel Fattah al-Sisi ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Read more...