Debris mula sa NoKor missile, maaring umabot sa Pilipinas

Hindi man lubhang maaapektuhan ang Pilipinas sakaling totohanin ng North Korea ang pagpapalipad ng missile patungong Guam, nagbabala ang AFP sa posibleng pagbagsak ng debris nito sa mga karagatang sakop ng bansa.

Sa Mindanao Hour, sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na maaring bumagsak ang mga debris sa mga karagatan sa hilagang bahagi at pinapayuhan ang mga mamamayan na magmasid.

Ayon pa kay Padilla, naghahanda na rin ang AFP civil defense sa banta ng NoKor.

Ang Guam ay may layong 2,500 kilometers sa silangan ng Pilipinas.

Nauna na ngang ipinahayag ng Palasyo na handang tumulong ang pamahalaan sa mga Pilipino sa Guam kung sakaling ituloy ng North Korea ang plano nito.

Read more...