Kasabay ng deklarasyong ito, hinigpitan na rin ng pamahalaan ng lalawigan ang one-kilometer quarantine radius sa Barangay San Carlos sa San Luis kung saan nagpositibo sa H5 virus ang isang poultry farm.
Nagpakalat na rin ng checkpoints ang pulisya at ang Department of Agriculture sa 12 bayan sa Pampanga para mabantayan ang lumalabas at pumapasok na poultry products sa lugar.
Ayon kay Pampanga Governor Lila Pineda, tinatayang malulugi nang dalawang bilyong piso ang poultry sector dulot nito.
Dagdag ni Pineda, ang Pampanga ang pangunahing nagsu-supply ng poultry products sa Metro Manila at Central Luzon.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, ipinag-uutos niya na ang paghihigpit sa poultry products sa Luzon para mapigilan ang pagkalat ng virus.