Ito ay para makadalo sana ang magkapatid sa huling araw ng vigil at libing ng kanyang ama na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., nanay nilang si Susan, tiyuhin na si Octavio at tiyahin na si Monna.
Kasalukuyang nakakulong sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong illegal possession of firearms and drugs ang magkapatid.
Kaugnay nito, nakiramay naman si Executive Judge Edmundo Pintac sa mga akusado ngunit mas binigyang-pansin nito ang seguridad kung bibiyahe ang dalawa pauwi ng Ozamiz.
Iniiwasan aniya na dahil sa presensya ng mga akusado ay magdulot ng gulo mula sa magkabilang panig na siyang maglalagay sa alanganin sa mga ito.
Matatandaang kasama ang magkapatid na Parojinog sa mga naaresto sa isinagawang raid sa compound ng mga ito.
Umabot sa 16 katao ang namatay sa nasabing operasyon.