Sumuko na si Senador Gringo Honasan sa pulisya at nagpiyansa sa kinakaharap niyang kasong katiwalian kaugnay ng pork barrel scam.
Matapos sumuko sa Biñan City Police ay naglagak si Honasan ng piyansang P60,000 sa korte para sa dalawang bilang ng kasong graft na nag-ugat sa umano’y iregular na paggamit ng P30 million na priority development assistance fund (PDAF) nito noong 2012.
Agad na nagpiyansa ang senador kasunod ng arrest order ng Sandiganbayan second division na inilabas kahapon, matapos na may makitang probable cause sa kasong isinampa laban sa kanya.
Una nang iginiit ni Honasan na inosente siya sa mga kaso laban sa kanya.
Sa buong buhay umano ng senador ay nilabanan niya ang mga akusasyon laban sa kanya at ipagpapatuloy niya ito.
Dahil sa paglagak ng piyansa ay naiwasan ni honasan na makulong bunsod ng PDAF scam.