WATCH: Lalaki, natagpuang nakabalot ngpackaging tape sa Payatas

Kuha ni Jong Manlapaz
Isang bangkay ng lalaki na nakabalot ng transparent packaging tape ang mukha ang natagpuan sa Sto. Niño St., Payatas, Quezon City.

Maliban sa mukha, tinaliaan ng din ng packaging tape ang katawan nito at mga kamay.

Sa kwento ni Arnold Casis, may-ari ng bahay ilang hakbang lang ang layo kung saan natagpuan ang bangkay, nagising na lamang sila sa malalakas na putok ng baril.

Pagsilip niya, tumambad sa kaniya ang duguang lalaki na nakahandusay sa gate ng kanilang bahay.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:

Read more...