WATCH: Isa ang patay sa sunog sa Talayan Village sa QC

Kuha ni Juan Bautista

Umabot sa 5th alarm ang sunog na naganap sa Talayan Village, barangay Palanan sa Quezon City.

Ang mga bahay na nasunog ay pawang gawa sa light materials at magkakadikit kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Habang malakas pa ang sunog, sunod-sunod na pagsabog ng LPG ang narinig ng mga residente.

Kani-kaniya ring hakot ng maisasalbang gamit ang mga naapektuhang residente.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung gaano karami ang mga naapektuhang pamilya.

Isang residente naman ang naitalang nasawi.

Nakilala ang nasawi na si Elpidio Dela Cruz, 67 years old.

Read more...