Misamis Oriental, siyam na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente bukas

INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

Siyam na oras na power interruption ang mararanasan ng mga residente sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Magaganap ang power interruption bukas, araw ng Sabado, August 12.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) magsisimula ang power interruption alas 8:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na may isasagawa silang testing sa high-voltage equipment sa Lugait-Pagawan at Lugait-Patag 69KV lines sa Lugait Substation.

Tiniyak naman ng NGCP na tatapusin sa tamang oras ang maintenance activity para hindi na humaba pa ang power service interruption.

 

 

 

Read more...