Veteran ‘kontrabida’ actress na si Zeny Zabala, pumanaw na

 

Mula sa youtube

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Zeny Zabala sa edad na 80-anyos.

Sumakabilang-buhay ang aktres sanhi ng kidney failure nitong nakalipas na Martes habang naka-confine sa National Kidney Transplant Institute.

Nakilala si Zeny Zabala o Emerenciana Ortiz Santos sa tunay na buhay sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa karamihan ng kanyang mga naging pelikula.

Naging talent ito ng Sampaguita Pictures noong dekada singkwenta at nakasama sa pelikula bilang kontrabida ang ilang mga sikat na artista tulad nina Susan Roces at Gloria Romero.

Sa susunod na Martes nakatakdang i-cremate ang labi ni Zabala na nakaburol ngayon sa Paket Santiago Funeral Homes sa Marikina City.

 

Read more...