Ang bomba na may habang 89 sentimetro o 3 talampakan ay natagpuan ng mga construction workers na kasalukuyang gumagawa ng isang car site.
Agad namang sinuspinde ng Tokyo Electric Power Co (Tepco) ang construction work at pansamantalang bumuo ng exclusion zone habang isinasaayos ng bomb disposal experts ang sitwasyon.
Libu-libong residente ang lumikas sa nasabing lugar sa Fukushima noong 2011 dahil na rin sa isang reactor meltdown matapos ang paglindol at pagragasa ng tsunami.
Ito ang itinuturing na pinakamalala at pinakaseryosong nuclear accident sa buong mundo matapos ang nangyari sa Chernobyl noong 1986.
Kaya’t seryosong bagay ang pagkakatagpo sa nasabing bomba dahil ang mga ganitong pagsabog ay maaring magresulta muli sa isang meltdown.
Ang Fukushima ay dating kinalalagyan ng isang military base.