US warship, naglayag malapit sa Mischief Reef

 

Isang U.S. warship ang naglayag malapit sa isang Chinese man-made island sa South China Sea, bilang bahagi ng isang freedom of navigation operation.

Ayon sa isang navy official na source ng The Associated Press, nasa bisinidad rin ang mga Chinese vessels nang dumaan ang USS John S. McCain malapit sa Mishief Reef kahapon.

Hindi naman nabanggit ng opisyal kung sinita ng mga Chinese ang mga Amerikano o kung pinaalis ba ng mga ito ang U.S. destroyer tulad ng mga ginagawa nito dati.

Ayon naman sa isang security official ng Pilipinas, tinimbrehan ng mga opisyal mula sa US ang mga Philippine military tungkol sa nasabing operasyon.

Layon anila ng operasyon na ito na hamunin ang pang-aangkin ng teritoryo na ginagawa ng China sa pinag-aagawang South China Sea.

Bagaman alam ito ng militar ng Pilipinas, walang pwersa ng gobyerno ang kasama sa operasyong ito.

Read more...