China: US, lumabag sa batas nang maglayag ang warship nito malapit sa Mischief Reef

 

Iginiit ng foreign ministry ng China na nilabag ng Estados Unidos ang international at maging ang Chinese law, nang magsagawa ng “freedom of navigation operation” ang USS John S. McCain sa South China Sea.

Una nang napaulat na naglayag ang warship ng US malapit sa Mischief Reef na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea na Spratly Islands.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Chinese foreign ministry na hinamak ng Amerika ang soberenya at seguridad ng China sa kanilang ginawa.

Ayon pa sa foreign ministry, lubha silang dismayado sa nangyari, kaya iaakyat nila ang isyu na ito sa kanilang mga counterparts sa US.

Read more...