Negosyante, sugatan sa pamamaril sa Baclaran

 

Pinagbabaril ang isang lalaki sa Opeña corner Lapu-Lapu Street sa Baclaran, Parañaque.

Kinilala ang biktima na si Hadji Nasser “Bobby” Ramos na agad na isinugod sa San Juan de Dios sa Pasay, kung saan ito nilalapatan ng lunas.

Si Ramos ay isang businessman na kaibigan ng dating asawa ni Alma Moreno na si Fahad Salic.

Matapos ang insidente ay kaagad namang naaresto ang gunman na si Zafra Bigjay alyas Dondon na mula sa Malate, Maynila.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril kay Ramos.

 

Read more...