Bukod pa dito, ilang residue ng white crystalline substance ang nakita sa dalawang cylinder roll na laman ng crate.
Ayon kay NCR-PDEA Director Wilkins Villanueva, malaki ang posibilidad na kaugnay o pareho ito ng tatlong crate na galing kay Fidel Dy na akumpiska noong January 9.
Maaring nailipat umano ang tatlong crate bilang pangatlong shipment.
Dadalhin sa PDEA ang mga cylinder roll kung saan iimbestigahan kung shabu ba ang white granules na kanilang nakita.
Batay sa impormasyon na binigay ng Chinese na may-ari ng townhouse, makikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Bureau of Immigration hinggil sa pagkakakilanlan ng mga umupa dito.
Una rito, itinimbre sa mga otoridad ng may-ari ng townhouse ang mga naturang crate matapos na hindi na muling magpakita ang mga Taiwanese na nagrenta dito.