Patakaran sa pagsusuot ng high heels inaayos na ng DOLE

Inquirer file photo

Naghahanda na ang technical group ang Department of Labor and Employment para tugunan ang usapin sa pagsusuot ng high heels sa trabaho.

Ayon kay Labor Sec. Silverstre Bello, nais niyang magkaroon ng 10-minute break kada oras ang mga babaeng emplayado na kinakailangang magsuot ng high heels sa trabaho.

Aniya, nagbabalangkas na ng kautusan ang technical working group ng kagawaran laban sa sapilitang pagpapasuot ng high heels sa trabaho.

Kamakailan, ipinanukala ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang pagbabawal sa mandatory na pagsusuot ng high heels dahil sa mga reklamo ng mga babaeng empleyado, gaya ng sales ladies.

Kinontra rin ng grupo ang pagsusuot ng high heels sa trabaho dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan.

Read more...