Panibagong testigo sa nadiskubreng mega shabu lab sa Catanduanes, humarap sa pagdinig ng Kamara

Ipinagpatuloy ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagdinig kaugnay sa nadiskubreng mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes. Isang Ernesto Tabor Jr ang humarap sa pagdinig na naka suot ng bonnet na sinasabing dating asset ng PNP at NBI pero napasok sa pagbebenta ng shabu. Sinabi ni Tabor sa komite na May 2015 pa lamang ay gawa na ang shabu laboratory at mula June 2015 hanggang Oktubre 2015 ay nakapag deliver na sila ng 335 kilo ng shabu. Kabilang anya sa kanyang pinagdalahan ng shabu sina dating Mayor Constantino Cordial ng Caramoan, Camarines Sur, alyas Tipong sa catanduanes, Snooky Imperial sa Legazpi City, Don Pepe sa Tiaong, Quezon at Jun Ranse sa Binondo, Manila. Dalawa lamang anya silang nagdedeliver ng shabu minsan ay nakasasakyan o kaya naman ay speed boat ni Mayor Cordial. Bukod dito, napagbentahan din anya niya ng droga sina Tiptip Wong at Boboy Wong. Sinabi rin ni Tabor na ang unang produksyon nila ay dinala sa New Bilibid Prison. Bago tumestigo hiniling ni Samar Rep. Edgar Sarmiento na alisin ni Tabor ang kanyang bonnet na tinutulan naman nito. Sang ayon kay Tabor, natatakot siya sa kanyang seguridad dahil baka balikan siya ng dati niyang boss sa pagbebenta ng shabu na si dating Anti Illegal Drugs Division ng NBI na si Atty. Eric Isidoro o Tay Eric. Gayunman, tinanggal pa rin ni Tabor ang kanyang bonnet sa harap ng mga kongresista.

Read more...