Sinibak na sa pwesto ang apat na empleyado ng MIASCOR Groundhandling Corp. sa NAIA na nagnakaw ng mga alahas ng asawa ni Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu.
Bukod pa dito ay kanselado na rin ang kanilang access pass privilege.
Kinilala ang mga suspek na sina Ricardo Alfaro, Yves Ronald Baguion, Wilson Mataganas at John Andrews Racoma.
Ninakaw umano ng apat ang pink jewelry box ni Madame Hulya Cavusoglu na naglalaman ng isang white gold ring with diamond, isang gold ring with five diamonds, isang gold ring with big pearl, isang gold ring with small pearl, isang set ng round pearl earrings, isang set ng flat pearl earrings, isang gold chain bracelet with diamind, isang set ng cross like earrings, at isang singsing na may precious stones.
Aabot ang halaga ng naturang mga alahas sa P1 Million.
Samantala, bibigyang parangal naman ni NAIA General Manager ang ilang airport officials na tumulong sa mabilisang pagkakarekober ng mga alahas ni Madame Cavusoglu.