Sa isang text message sinabi ni Honasan na sa buong buhay niya ay ipinaglaban niya ang mga maling akusasyon laban sa kanya.
Giit ng senador, ngayong mayroon lumabas na warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanya hinggil sa kasong graft may kaugnayan sa PDAF scam ay ipagpapatuloy nya umano na ipaglaban ang katotohanan.
Nagpalabas ngayong hapon ang Second Division ng Sandiganbayan ang warrant para arestuhin si Honasan at anim na iba pang mga sangkot sa umano’y maanomalyang paggamit sa Priority Development Assistrance Fund (PDAF).
“I’am completely innocent of the charges against me. all my life i have fought everything i am accused of, and i will continue to do so”, ayon sa text message ng mambabatas.