Honasan ipinaaaresto dahil sa pork barrel scam

Inquirer file photo

Ipinag-utos na ng Sandiganbayan 2nd Division ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Sen. Gringo Honasan kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon sa korte kinakitaan ng probable cause ang inihaing information ng Ombudsman upang ipa-aresto si Honasan at humarap sa pagdinig.

Bukod kay Honasan, ipinapaaresto rin ng korte sina Michael Benjamin, Political Affairs/Project Coordinator Chief ni Honasan at mga dating opisyal ng National Council for Muslim Filipino na sina Mehol Sadain, Fedelina Aldanese, Galay Makalinggan, Aurora Aragon-Mabang, at Olga Galido.

Sabit rin sa kaso ang mga opisyal ng Focus Development Goals Foundation, Inc. na sina Giovanni Manuel Gaerlan at Salvador Gaerlan.

Ika-apat na si Honasan na senador na sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback o komisyon mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.

Base information ng Ombudsman na inihain sa anti-graft court, Abril 2012 ng ipinalabas ng Department of Budget and Management ang P30 Million na halaga ng PDAF ni Honasan sa NCMF.

Si Honasan at mga ang kapawa niya akusado ay nahaharap sa dalawang bilang ng graft at may inirekomendang piyansa na P30,000 bawat bilang.

Nauna ng naglagak ng piyansa sina Sadain, Mabang, Galido, at Aldanese.

Read more...