Cebu City Hall at isang supermarket, binulabog ng bomb threat

CDN Photo

Nakatanggap ng bomb threat ang Cebu City Hall at ang La Nueva Supermarket sa lungsod, Huwebes ng umaga.

Dahil sa banta, naantala ang operasyon ng City Hall.

Pero ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak ang bomb threat na sinasabing natanggap ng mga empleyado ay hoax lamang.

Ani Tumulak, hindi nila alam kung kanino galing ang text message na natanggap ng mga empleyado at mahihirapan din silang ma-trace ito lalo na kung prepaid sim card ang ginamit.

Matapos maipasuri sa mga otoridad ang buong gusali ng City Hall, idineklara naman itong ligtas.

Idinekara ding ligtas sa anumang banta ng bomba ang La Nueva Supermarket matapos masuri ng mga bomb squad.

Maging ang kalapit na Basilica del Sto. Niño ay sinuri din ng bomb squad at SWAT team pero negatibo naman sa bomba.

 

 

 

 

 

Read more...