ASG, nagbantang pupugutan ng ulo ang apat na bihag

Nagbanta ang Abu Sayyaf Group na pupugutan nila ng ulo ang bihag nilang apat na construction workers ngayon araw.

Ito ay kung mabibigo ang mga pamilya ng apat na obrero na ibigay ang hinihinging P4m milyon na ransom ng Abu Sayyaf.

Matatandaan na dinukot sina Joel Adanza, Felimon Cordero, Edmundo Ramos at Jayson Baylosis, pawang tubong Zamboanga City, sa Patikul, Sulu ilang oras bago ang pagdating doon ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Ang pagdukot ay naipaalam sa otoridad nang may makatakas na kasamahang obrero ng mga biktima.

 

 

 

 

 

 

Read more...