Runway sa Mactan-Cebu Airport, 6 na oras isasara, halos 50 flights ang apektado

Isasara sa loob ng anim na oras sa Biyernes ng umaga, August 11, 2017 ang runway ng Mactan-Cebu International Airport.

Dahil sa gagawing temporary closure, halos 50 flights ng Cebu Pacific at Cebgo ang maaapektuhan.

Magsisimula ang closure alas 2:30 ng madaling araw hanggang alas 8:30 ng umaga.

Sa abiso ng Cebu Pacific, 20 flights nila ang made-delay ng 4 hanggang 8 oras kabilang ang dalawang international flights patungo at galing sa Taipei.

Kanselado naman ang aabot sa 29 na domestic flights.

Narito ang listhan ng mga flights na magkakaroon ng pagbabago sa schedule:

5J548 – Singapore-Cebu
5J547 – Cebu- Singapore
5J554 – Cebu-Manila
5J415 – Kalibo-Cebu
5J433 – Cebu-Zamboanga
DG6515 – Cebu-Dumaguete
DG6516 – Dumaguete-Cebu
DG6533 – Dumaguete-Davao
DG6532 – Davao- Dumaguete
5J839 – Zamboanga-Tawi- Tawi
5J840 – Tawi-Tawi- Zamboanga
5J434 – Zamboanga-Cebu
5J300 – Cebu-Taipei
5J301 – Taipei-Cebu
DG6851 – Cebu-Siargao
DG6852 – Siargao-Cebu
DG6925 – Cebu-Butuan
DG6926 – Butuan-Cebu
DG6571 – Cebu-Tacloban
DG6572 – Tacloban-Cebu

Ang mga pasahero na naka-book sa nasabing mga biyahe ay pinapayuhang bumisita sa website ng Cebu Pacific (https://www.cebupacificair.com/Pages/travel-advisory?tid=353) para malaman ang bagong schedule ng kanilang biyahe.

Kanselado naman na ang sumusunod na flights:

5J562 / 5J553 Cebu-Manila-Cebu
5J563 / 5J564 Manila-Cebu-Manila
5J586 / 5J551 Cebu-Manila-Cebu
5J608 Cebu-Clark
5J611 Davao-Cebu
DG6739 / DG6738 Cagayan de Oro (Laguindingan)-Davao-Cagayan de Oro (Laguindingan)
DG6298 / DG6299 Caticlan (Boracay)-Clark-Caticlan (Boracay)
5J485 / 5J486 Manila-Bacolod-Manila
5J959 Manila-Davao
5J240 / 5J241 Cebu-Hong Kong-Cebu
DG 6462 / DG6463 Cebu-Bacolod-Cebu
DG6715 / DG6716 Cebu- Cagayan de Oro (Laguindingan)-Cebu
DG6690 / DG6691 Cebu-Camiguin-Cebu
DG6272 / DG6273 Cebu- Caticlan (Boracay)-Cebu
DG6408 / DG6409 Cebu-Iloilo-Cebu
DG6588 / DG6589 Cebu-Ormoc-Cebu

Ang mga apektado naman ng flight cancellation ay maaring magpa-rebook ng kanilang flight o ‘di kaya ay mag-requests ng refund.

Ang anim na oras na runway closure ay para mabigyang daan ang second half ng repair.

 

 

 

 

 

Read more...