Dakong ala-1:25 ng madaling araw nagtapos ang pagdinig na nagsimula Miyerkules ng hapon.
Sa kasagsagan ng pagdinig, kinumpirma ni Customs Intelligence Director Neil Estrella na naghain siya ng courtesy resignation dalawang araw na ang nakalilipas.
Una na ring naghain ng kanyang resignation si BOC Import Assessment
Milo Maestrecampo matapos madawit sa naturang kontrobersiya na mariing itinanggi nito.
Sa pagtatnaong ng ilang mambabatas, naungkat ang ilang katanungan sa paraan ng pagsasagawa ng raid sa bodega sa Valenzuela City kung saan natagpuan ang bilyon pisong halaga ng shabu.
Kinwestyon rin kung bakit hind nagkaroon ng koordinasyon sa lokal na pulisya sa naturang raid.
Ms. Nanie Koh ng BOC naging emosyonal matapos linisin ang kanyang pangalan sa lagayan sa Customs @dzIQ990 pic.twitter.com/i8GWhhzroS
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) August 9, 2017