Sinabi ni Gov. Imee sa pagdinig ng house committee on good government and public accountability, na hindi ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng cash advance.
Paliwanag nito ang kailangan lamang ay malinaw ang layunin ng paggagamitan ng cash advance at fully liquidated ito pagkatapos magamit.
Wala din naman anyang ibinigay na Notice of Suspension ang COA at Notice of Disallowance dahil na-liquidate nila ng buo ang perang pinambayad.
Kinontra naman ni House Majority Leader Rodolfo Farinas ang pahayag ng gobernadora bagkus sinabi nito na taliwas ito sa panuntunan ng COA.
Pinapayagan lamang anya ang paggamit ng cash advance kung hindi maari ang tseke.
Iginiit din ni Gov. Imee na walang iregularidad sa ginawa nilang paggastos ng tobacco excise tax dahil wala namang perang nawaldas.
Kumpleto naman anya ang mga sasakyan na binili saka nabayaran ng buo ang supplier.
Base rin anya sa ginawang physical inventory ng COA ay andon ang mga sasakyan.
Bukod kay Gov. Imee dumalo rin sa pagdinig ang mga opisyal ng Ilocos Norte kabilang ang tinaguriang Ilocos 6, ang kanyang ina na si Rep. Imelda Marcos at dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos.
Narito ang buong report ni Erwin Aguilon: