Faeldon, inatake sa puso ayon sa isang kongresista

Inoobserbahan ngayon sa Intensive Care Unit ng Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal si Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos atakihin sa puso.

Ayon sa isang kongresista na ayaw magpabanggit ng pangalan, dumanas ng heart attack si Faeldon sa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ng adwana. Sinabi ng source na gising naman at nakakausap ang Customs Commissioner.

Inihayag din ng source na posibleng palitan na si Faeldon dahil sa health reasons.

Nauna rito, inatasan ng House Committee on Ways and Means ang pinuno ng House Medical Services na puntahan sa ospital si Faeldon at alamin ang medical condition.

Ito na ang ikalawang beses na hindi dumalo si Faeldon sa pagdinig ng Kamara, una noong Lunes at sinabing mayroon itong dental emergency.

Read more...