PDI reporter, sinita ng isang opisyal ng Customs habang nasa pagdinig ng Kamara

Sinita ng isang opisyal ng Bureau of Customs si Philippine Daily Inquirer reporter Vince Nonato sa ginaganap na pagdinig ng Kamara.

Nilapitan pa ni Atty. Althea Acas, project manager ng BOC si Nonato kaugnay sa kanyang tweet kaugnay sa pag-iyak nito sa pagdinig.

Tinanong ni Acas kay Nonato kung may news value ang ginawang pagtweet nito dahil sa kanyang pag-iyak.

Nabasa ani Acas ng kanyang anak ang tweet ni Nonato.

Sagot naman ni Acas sa tweet ng media na harassment ang ginagawa sa kanya. Bago sinita si Nonato, ipinahanap na ito ni Acas sa kanyang staff.

Nauna rito, sinermonan ni Deputy Speaker Sharon Garin ang mga opisyal ng BOC na present sa pagdinig dahil sa hindi ang mga ito kwalipikado sa posisyon.

Ikinagalit ni Garin ang paglalagay ng BOC sa empleyado at consultant na wala namang background sa customs na ang trabaho ay ang mag interpret ng batas.

Habang nagsasalita sa pagdinig si Garin panay ang singit ni Acas at ng nagbigyan na ng pagkakataon na magsalita dito na umiyak si Acas at ipinagmalaki na pitong taon na siyang abogado. Sa isang group message sa mga reporter sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na dapat turuan ng humility lessons 101 at PR dynamics 11.

Kung ganito anya ang asal ni Acas sinabi ni Batocabe na wala itong business sa gobyerno at tawaging public servant.

Dapat anya sa ganitong indibidwal na manatili sa isang sulok at gumawa ng mga research at pleadings.

Read more...