“When I say I shoot them dead, I prefer to shoot them in the heart or in the head to deal with the problem”.
Yan ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga opisyal ng Philippine National Police kaugnay sa 116th Police Service Anniversary sa Camp Crame.
Nilinaw rin ni Duterte na tiyak na mamamatay ang mga kriminal na lalaban sa mga alagad ng batas pero kahit kailan ay wala umano siyang inutusan na mga pulis na pumatay ng mga taong walang kalaban-laban.
“Did I ever order them (PNP) to kill a person on bended knees? Just give me one contradictory word and I will step down as President”, ayon pa sa pangulo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na anumang araw mula ngayon ay pupunta siya sa Ozamis City at personal niyang kakausapin ang mga pulis na umano’y kasangkot sa iligalna gawain ni dating Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Si Parojinog ay napatay kamakailan sa isang police operations kaugany sa isang raid na may kinalaman sa iligal na droga.
Muli rin niyang tiniyak na nasa likod siya ng PNP lalo na ng mga nahaharap sa mga kaso sa pagtupad sa kanilang tungkulin basta’t huwag lamang daw magsisinungaling ang mga pulis.