Cited for contempt ng Senado ang dalawang resource persons na ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee para bigyang linaw ang usapin ng shipment ng ilegal na droga na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).
Naghain ng mosyon to cite for contempt si Sen. Tito Sotto laban kina Richard Chen alias “Richard Tan” at Manny Li na kaagad naman inaprubahan ni Gordon na siyang Chairman ng komite.
Ayon kay Gordon, nagiging pabago bago umano ang mga pahayag nina Chen at Li sa ginagawang pagdinig sa Senado hinggil sa kanilang involvement sa shipment ng ilegal na droga galing sa China.
Si Manny Li ang itinuturong nagpasa ng mga dokumento ng shipment ng droga mula China kay Kenneth Dong na siya namang nagfacilitate ng paglabas ng shipment patungo kay Mark Taguba na nagpakilala bilang isang customs broker.
Kaagad na inendorso ng komite sa Office of the Senate President ang isyu para desisyunankung saan pwedeng idetine sina Li at Chen.