Sinampahan na ng patung-patong na kaso ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang dati nitong asawa na si Patricia.
Sa isang panayam ay inihayag ni Chairman Bautista na nagsampa na sila ng kaso laban sa dati nitong misis.
Kasong grave coercion, qualified theft at robbery at extortion na isang uri ng grave threat at life threat ang mga kasong isinampa ni Bautista laban sa asawa nito.
Ayon kay Bautista, kasama niya ang kanyang pamilya nang isinampa nila ang mga kaso laban kay ginang Bautista kahapon.
Sa Taguig Prosecutor’s Office isinampa ang reklamo laban kay Patricia.
Magugunitang lumantad si Patricia at sinabing mayroong hindi maipaliwanag na yaman ang dating asawa na hindi umano deklarado sa SAL-N nito.
Ang mag-asawang Bautista ay matagal nang dumaranas ng marital problem, katunayan ayon sa chairman ng poll body, sampung buwan na ang nakararaan nang huli silang mag-usap.