Pagdinig sa P6B shabu shipment itinuloy ng Senado; Faeldon no-show

Kuha ni Ruel Perez

Ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig kaugnay sa P6.4 million na halaga ng shabu shipment na naipasok sa bansa.

Kabilang sa mga resource person na dumating sa pagdinig sina Mark Ruben Taguba II at si Richard Tan – ang Chinese national na may-ari ng HongFei Logistics warehouse sa Valenzuela City na pinagdalhan sa shabu shipment noong May 24.

No-show naman sa pagdinig si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa kaniyang pagharap sa komite, kinumpirma ni Tan na natanggap nila sa warehouse ang nasabing shipment pero hindi umano niya noon nalaman agad na shabu pala ang laman nito.

Ayon kay Tan na gumamit ng interpreter dahil hindi siya marunong mag-Tagalog o mag-Enmglish, ibinaba sa warehouse ang mga kargamento nang ito ay dumating.

Noong May 25, nakatanggap umano siya ng tawag mula sa Customs of China partikular sa hepe nito na si Wang Xi Tong at sinabi sa kaniya na ang shipment ay naglalaman ng suspicious items pero hindi direktang tinukoy na shabu pala ang laman.

May 25 ng gabi ay saka lang nabuksan ang shipment nang maipaalam sa mga taga-Customs ang impormasyon mula sa China at doon nga nakita ang mga laman na shabu.

Dumalo din sa hearing ang mga opisyal ng NBI, PDEA at iba pang customs officials.

 

 

 

 

Read more...