Dahil nagpasya na ang pamunuan nito na huwag mangolekta ng matrikula at iba pang bayarin sa UP System sa kasalukuyang semestre.
Ang anunsyo ay ginawa ni UP President Danilo Concepcion sa pamamagitan ng isang memorandum na naglalatag ng supplemental guideline sa koleksyon ng “tuition fee and other fees” para sa umiiral na school year kasunod naman ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act bilang ganap na batas.
Ang bagong guideline ay inaprubahan ng Board of Regents sa pamamagitan ng isang referendum.
Kahit na sa susunod na taon pa magiging epektibo ang nasabing batas, pinili ng UP na ipatupad na ngayong semestre ang nilalaman ng Section 4 at 6 ng RA 10931.
Kwalipikado dito ang lahat ng undergraduate na estudyanteng Pilipino maliban sa mga may hawak na ng undergraduate o bachelor’s degree at lahat ng bagsak sa admission at retention rule pati ang lampas na sa itinakda nilang maximum residency requirement.
Hindi rin kasama dito ang mga medicine at law student.
Kailangan pa rin dumaan sa registration procedure ang mga kwalipikadong estudyante para makasama sa nasabing prebilehiyo.