Ang pagyanig ay naganap eksaktong 9:19 ng gabi at tinatayang may lalim na 10 kilometro ayon sa US Geological Survey.
Naitala ang epicenter ng lindol sa Ngawa prefecture kung saan naninirahan ang mga etnikong Tibetans, na malapit din sa Jiuzhaigou nature reserve na isang sikat na tourist destination.
Ayon sa pamahalaan ng Sichuan, lima na ang naitatalang patay at 60 na ang sugatan at 30 dito ay seriously injured.
Pawang turista ang mga nasawi ayon sa People’s Daily.
Samantala, 100 turista din ang na-trap dahil sa pagguho ng lupa ngunit wala pang naiuulat na nasaktan o nasawi sa mga ito.
Isang reception area naman sa isang hotel ang nag-collapse na nagresulta sa pagkaka-stranded ng mahigit 500 katao ngunit agaran namang namang naevacuate ng mga rescuers.
Sa kasalukuyan, mahigit isandaang aftershocks na ang naitatala matapos ang naunang malakas na pagyanig.
Pinangangambahang tumaas pa ang naturang bilang ng nasawi at nasugatan dahil sa patuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng mga kinauukulan.
Noong 2008, isang lindol din sa nasabing lugar ang kumitil sa buhay ng 78,000 katao.