Palasyo: Sana matahimik na ang isyu sa Marcos burial

 

Umaasa ang Malacañang na matatahimik na rin ang isyu tungkol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ngayong tuluyan na itong ipinagtibay ng Korte Suprema.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, umaasa rin sila na makapag-“move forward” na ang lahat bilang isang “one united nation.”

Dagdag pa ni Abella, kinikilala ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema bilang “final arbiter of all legal questions.”

Sa desisyon ng en banc kahapon, sampu ang bumoto para pagtibayin ang paglilibing kay Marcos sa LNMB, habang lima naman ang hindi.

Dahil dito, tuluyan nang nabasura ang mga petisyon laban sa Marcos burial sa LNMB.

Read more...