Duterte bukas sa magandang ugnayan ng Pilipinas at NoKor

Inquirer photo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging good dialogue partners ang Pilipinas at North Korea.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa meet and greet sa mga foreign ministers kasama na si North Korean Foreign Minister Ri Yong-Ho bago ang grand celebration ng 50th Anniversary of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at closing ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.

Una Dito, sinabi ng pangulo na buwang si North Korean President Kim Jong Un dahil sa paglalaro umano nito ng mga dangerous toys na ang tinutukoy ng chief executive ay ang pagsasagawa ng ballistic missile launch ng North Korea.

Bukod dito, nagpalabas din ng kalatas ang mga foreign ministers na kasapi ng ASEAN na labis nang nababahala ang sampung bansa sa ginagawang ballistic missile launch ng North Korea.

Pero ayon kay Ri naninindigan ang NoKor na hindi nila aabandunahin ang kanilang nuclear program at missile tests.

Read more...