Dagdag sahod sa BOC sagot sa kurapsyon ayon kay Angara

Kinakalampag ni Senador Sonny Angara ang Malacañang para sa implementasyon ng CMTA o Customs Modenization and Tariff.

Kasunod ito ng pag-amin ng isang broker sa customs na nagbibigay ito ng tara o lagay para mapabilis ang paglabas ng kanilang mga kargamento.

Ayon kay Angara, 2016 pa ipinasa ang batas para matigil na ang smuggling, maipatupad ang computerization program sa BOC at matigil na ang human contact na nagiging dahilan ng korapsyon.

Sa ilalim din ng batas, itataas ang sweldo ng mga taga customs batay sa kaninang performance para hindi na sila madawit sa mga kaso ng katiwalian.

Tiwala si Angata na kapag tinaasan na ang sweldo ng mga empleyado ng BOC, tiyak na mas makaiiwas sila sa anumang uri ng korapsyon.

Pero giit ng senador, bago dagdagan ang sweldo ng mga kawani ng BOC ay dapat meron munang ilatag na pamantayan at dapat ay nakabase sa performance upang maprofessionalize ang kanilang hanay sa ahensya.

Read more...