Inihayag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang umano’y balak ng Central Intelligence Agency (CIA) na ipapatay si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.
Plano rin umanong CIA na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag pa ng grupo na gagawin ang nasabing hakbang bago o pagkatapos na isailalim ng pangulo ang buong bansa sa ilalim ng Martial Law.
Base sa nakuhang impormasyon ng NDFP sa kanilang mga umano’y assets sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP), magpapadala ang militar ng liquidation team sa The Netherlands para gawin ang pagpatay kay Sison.
Layunin umano nito na sirain ang pwersa at morale ng mga komunista bansa.
Kapag nangyari na ito ay saka umano gagalaw ang mga grupong kaalyado ng CIA para naman ibagsak ang kasalukuyang pamahalaan.
Bilang bahagi ng kanyang seguridad, limitado na lang umano ang galaw ngayon ni Sison sa The Netherlands at binabantayan na rin siya ng ilang mga volunteers.
Kinukunan na rin umano nila ng larawan ang mga taong umaaligid sa kanyang lugar sa nasabing bansa.