Australia, magbibigay ng tulong sa mga sibilyan na apektado ng giyera sa Marawi

Twitter Photo | @JulieBishopMP

Magkakaloob ng tulong pinansyal ang pamahalaan ng Australia sa mga residente sa Marawi City na naapektuhan ng bakbakan.

Inanunsyo ni Australian Foreign Ministry Julie Bishop na ang kanilang pamahalaan ay maglalaan ng $20 million na halaga para sa recovery at long term peace and stability sa Marawi.

Ang nasabing tulong ay tatagal ng mahigit apat na taon dahil hindi naman agad magagawang maka-revocer ng mga naapektuhang sibilyan.

“Today I announce that the Australian Government will provide assistance to ease civilian suffering caused by the siege in the Philippine city of Marawi and contribute to peace-building in the area,” ayon kay Bishop.

Ang 20 milyong dolyar na halaga ng tulong ay bukod pa sa emergency food at iba pang suplay na aabot sa $920,000 ang halaga na una nang inanunsyo ng Australia.

Ayon kay Bishop sa pulong nila ni Pangulong Duterte kahapon, tinalakay nila ang nagpapatuloy na gulo sa Marawi at ang epekto nito sa mga sibilyan.

Base aniya sa impormasyong nakarating sa kaniya, aabot na sa 360,000 na katao ang inilikas dahil sa giyera.

Gamit ang halaga na ibibigay ng Australia, popondohan ang small-scale infrastructure projects para sa komunidad sa Marawi kabilang ang pagkukunan ng malinis na inuming tubig at pagsasaayos ng local roads.

 

 

 

 

Read more...