Pinoy, nawawala sa San Francisco California

Nagpapatuloy ang paghahanap sa isang Pinoy sa San Francisco, California na halos dalawang linggo nang nawawala.

Ayon sa kanyang pamilya, huling nakita si Peter Galat, 50 years old, nakatira sa Hayward, California noong July 24 sa Golden Gate National Recreation Area sa San Francisco.

Sinabi ng kanyang pamilya na si Galat ay bipolar, depress at ilang beses nang nagtangkang magpakamatay.

Sa paglalarawan ng kanyang pamilya, si Galat ay may taas na 5’4 at bigat na 150 pounds, at blonde ang kulay ng buhok habang brown naman ang mata.

Mayroon anila tribal tattoo si Galat sa pareho nitong braso, at sa kanyang buong likod.

Nananawagan ang kanyang pamilya sa sinuman may impormasyon sa kinaroroonan ni Galat ay tawagan ang numerong (530) 605-6790.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...