Patricia Bautista, kakasuhan ng Dean ng UST Faculty of Civil Law

Matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa iskandalo laban kay Comelec Chairman Andres Bautista, nangako ang dekano ng University of Santo Tomas na si Nilo Divina na gagawa siya ng ligal na mga hakbang.

Si Divina ay nabanggit ng asawa ni Bautista na si Patricia na siya umanong nag-isyu ng mga tseke at commission sheets sa COMELEC Chief.

Ayon kay Divina, kasong libel ang isasampa niya laban kay Patricia at sa iba pang kasabwat nito sa pagtatahi ng mga istorya.

Ani Divina, hindi lang siya kundi maging ang kanilang law firm na Divina Law ay idinawit ni Patricia sa mga maling paratang.

Sa kanyang alegasyon, sinabi ni Patricia na may nadiskubre siyang bank at real property documents sa pangalan ng kanyang asawa at mga kamag-anak nito na hindi nakasaad sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SAL-N na nagkakahalaga ng halos isang bilyung piso.

Sinabi ni Patricia na si Divina ay isa sa matalik na kaibigan ng kanyang asawa at ninong ng kanilang panganay na anak na si Xavier.

Ang mga alegasyon ni Patricia ay nakapaloob sa isinumite niyang affidavit sa National Bureau of Investigation noong Agosto 1.

 

 

 

 

 

Read more...