Sa kasagsagan ng rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Padre Faura, at EDSA Shaw-Boulevard, inamin ni DOJ Secreatry Leila de Lima na nagpuyat din siya.
Ito ay upang makibalita umano sya sa mga nangyayari at ginagawa ng mga kasapi ng INC sa EDSA.
Inamin din ng kalihim na ikinatuwa nya ang pag-trending nya sa twitter para sa hashtag De Lima Bring the truth ng mga netizens.
Umabot kasi sa 138, 000 tweets ang naibahagi sa topic na iyon, sa gitna ng protesta, kung saan iba’t ibang reaksyon ang ibinahagi.
Ani De Lima, inamin nyang gising sya, at ikinatuwa rin nya na nais ng sambayanang Pilipinong nagkakaisa upang malaman ang katotohanan.
Pinabulaanan naman din ng kalihim ang umano’y deal o kasunduan, na namagitan sa gobyerno at sa INC, maging ang kanyang pagbibitiw lalo’t sinabi din nya na marami silang hinihabol ngayon na trabaho.
“Walang deal at tuloy ang imbestigasyon,” iyon ang pag-tiyak ng kalihim.