Ikinukunsidera na ng Pentagon na payagan ang U.S. military na magsagawa ng airstrikes laban sa mga miyembro ng ISIS na nasa Pilipinas.
Ayon kay Pentagon spokesperson Capt. Jeff Davis, matagal naman nang nagkakaroon ng intelligence sharing sa pagitan ng Pilipinas at militar ng Estados Unidos.
Ani Davis, labinglimang taon nang consistent ang counterterror presence ng U.S. sa Pilipinas.
Dahil dito, maaring payagan ang pagsasagawa ng airstrike bilang collective self-defense at bahagi ng official military operation.
Kung matutuloy, isasagawa ang airstrikes gamit ang armed drones ng U.S.
Sa ngayon, mayroong mallit lamang na pwersa ng U.S military sa Marawi City kung saan nangyayari ang bakbakan.
Sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas, sinabi ni U.S. Secretary of State Rex Trillerson na nagbibigay ng intelligence capabilities ang Amerika sa Pilipinas paglaban sa terorismo, kabilang ang pagkakaloob ng Cessna planes at UAV drones.
Sinabi rin ni Trillerson na nagbibigay din ang U.S. ng pagsasanay at guidance kaugnay sa pagkikipagtunggali sa mga kalaban.