Habagat, humina na ayon sa PAGASA

Patuloy ang paghina ng Habagat at maliit na bahagi na lamang ng bansa ang apektado nito ayon sa PAGASA.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang western section na lamang ng Northern Luzon ang naaapektuhan ng Habagat.

Dahil dito, makararanas ng masungit na panahon ngayong araw ang Ilocos region.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral.

Maari pa ring magkaroon ng isolated rainshowers at malakas na ulan na mayroong pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, wala pa namang sama ng panahon na namamataan na papalapit sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...