Mga dayuhan, mas nababahala sa terorismo kaysa isyu ng human rights sa bansa – Duterte

 

Kumalma na ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ibang mga bansa sa kanilang pagkabahala sa sitwasyon ng human rights sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, mas nababahala na ngayon ang mga ito tungkol sa mga isyung may kinalaman sa terorismo.

Sinabi ito ng pangulo matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay US Secretary of State Rex Tillerson at Australian Foreign Affairs Minister Julie Bishop.

Tinanggap rin ni Duterte kahapon ang credentials ng mga bagong ambassadors ng Chile, Colombia, India at Austria.

Ani pa Duterte, karamihan sa mga kinatawan ng ibang bansa na kaniyang nakausap ay hindi na nagtanong tungkol sa human rights.

Gayunman, tikom naman ang bibig ng pangulo tungkol sa detalye ng kanilang napag-usapan ni Tillerson.

Hindi aniya niya ito maaring sabihin dahil confidential ang mga ito at marami rin silang mga napag-usapan.

Read more...