CHR dapat ‘zero budget‘- Alvarez

 

Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na lagyan ng zero budget ang Commission on Human Rights sa susunod na taon.

Sa budget hearing sa kamara pata sa panukalang pondo ng CHR, iginiit ni Alvarez na hindi lamang dapat bawasan kundi tuluyang tanggalan ng pondo ang ahensya.

Sinabi ni Alvarez na ito ay dahil unfair ang CHR sapagkat hindi nito nagagampanan ng tama ang kanilang trabaho upang protektahan ang karapatan ng lahat.

Hindi anya patas ang CHR dahil kapag adik o kriminal ang nakakapatay ay parang pasko ang mga ito dahil sa katahimikan na mala-silent night.

Ang proteksyon aniya sa karapatang pantao ay para sa lahat at hindi dapat mamili ng kung sino ang poprotektahan.

Pag-aaralan pa naman ng pinuno ng Kamara kung may magiging paglabag ang Kamara kung hindi bibigyan ng pondo ang CHR bago nito irekomenda ang paglalagay ng zero budget.

Gayunman, sinabi ni Alvarez na maari naman niyang irekomenda na bawasan lamang ang budget kung lalabag sila sa batas sakaling hindi bigyan ang pondo ang CHR.

Read more...