Pag-atake ng mga IS-linked militants, napigilan ng Iran

 

Nasukol ng mga pwersa ng pamahalaan ng Iran ang 27 na militanteng sinasabing may kaugnayan sa Islamic State group na nagpa-plano ng pag-atake sa mga sagradong lugar sa kanilang bansa.

Ayon sa intelligence ministry ng Iran, natukoy nila ang mga suspek nang makakuha sila ng intelligence information mula sa isa sa kanilang mga regional services.

Naganap ang matagumpay na pagpigil sa mga pag-atake ilang araw lang bago ang inagurasyon ni President Hassan Rouhani.

Hindi naman na binanggit pa ng Iran kung saang bansa nila nakuha ang intelligence information at kung saan nila naaresto ang mga militante.

Lima anila sa mga ito ay nagpaplano na ng pag-atake sa labas ng Iran, habang ang iba pang mga naaresto ay pawang kanilang mga taga-suporta.

Read more...