Kredibilidad ng 2016 polls, apektado ng kontrobersiya vs Bautista-Poe

 

Kumbinsido si Senador Grace Poe na maaring maapektuhan ang kredibilidad ng nakalipas na 2016 elections dahil sa kinakaharap na kontrobersya ni COMELEC Chairman Andres Bautista.

Bagaman, nilinaw ni Sen. Poe, ‘hands-down’ ay panalo naman talaga si Pangulong Duterte noong 2016 elections kaya’t maaga siyang nag-concede.

Pero ang problema aniya ay ang ilang mga posisyon kung saan naging dikit ang labanan at bilangan.

Bukod sa mga national positions na pinaglabanan aniya noong nakaraang halalan, may ilang lugar din sa bansa na halos maliliit lamang ang agwat ng nanalong kandidato sa mga natalong kalaban.

Nauna nang inakusahan ni Patricia Bautista, ang asawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista na nagkamal umano ng ill-gotten wealth na aabot sa isang bilyong piso ang kanyang mister na hindi umano kabilang o naideklara sa kanyang SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth nito.

Read more...